Sa lupa at langit , ako'y nakatindig
Pinapakinggan ang bawat nyang paghimig
Nang ang puso ko ay lubusang nagalak,
Luha ko'y tumulo't sa lupa'y pumatak.
Ang himig nya'y animo'y anghel sa langit,
Na umaakit na sa kanya'y lumapit.
Nang ako'y lumapit sa kanya'y umibig.
Isang babaeng mala-anghel ang tinig.
Tinig nya'y bumalot sa aking katawan,
Paghimig ay tunay na maiibigan.
Puso't isipan, diwa at katawan,
Sa kanya ay nahulog nang yuluyan.
Sana sya ay totoo sa aking buhay ,dahil
Pagibig kong tunay ang sa
kanya'y aking iaalay.