Saturday, February 19, 2011

Para kanino ka bumabangon?

Ako'y bumabangon upang sya'y makita,

Sa bawat gawa'y nagbibigay sigla.

Lahat ng bagay sa aki'y kaygaan,

Lahat ay kaygaan, masulyapan ka lang.


Bugso ng damdami'y sumasaya,

Sa tuwing makikita't makakasama

Ngiti nya'y naghahatid ng kasayahan

Kasayahang sa puso ko'y mananahan.


Sa kabutihang loob ay walang pintas

Sa puso't isipan ay tunay at wagas

Mga ugaling sa kanya'y aking hanap

Sa kanya'y natagpuan nang walang hirap


Kwento sa kanya ay maraming umakyat

Nagregalo at sa kanya'y nagtapat,

lahat sila ay nabigo at lumuha

Pag ako umakyat, may pagasa kaya?

No comments:

Post a Comment