Mga mata mo'y bituin sa kalawakan,
Na tumatawag sa puso ko't isipan
Pumupukaw sa bawat ningning at kislap
Pakiramdam ko'y nakalutang sa ulap.
Ako ay hindi makatulog sa gabi,
Larawan mo ay aking laging katabi.
Pakiramdam ko'y kay sarap at kay gaan,
Pakiramdam ko ay wala nang hangganan.
Mamula-mula mong pisngi sa umaga,
Kay sarap na hagkan sa tuwi-tuwi na.
Iyong buhok na mahaba at kay dulas,
Na kumikilita sa aking balbas.
Araw araw ganyan ang aking tingin,
Kayganda mong tunay sa aking paningin.
Langit at lupa sayo ay sumasamba,
Puso ko'y nabihag mo nang talaga.
Ang katunayan ng iyong kagandahan,
Ay kabutihan ng iyong kalooban
Mapansin mo sana lihim kong pagtingin
At sana'y nadarama ko'y nadarama mo rin.
No comments:
Post a Comment